DA, sisikaping matapos ang pamamahagi ng 25kg rice subsidy sa mga empleyado ng gobyerno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako ang Department of Agriculture (DA) na bago matapos ang taon ay matatapos na ang pamamahagi ng 25 kilos ng rice subsidy para sa mga kawani ng pamahalaan salig sa Administrative Order No. 2 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Disyembre ng nakaraang taon.

Sa pagsalang ng panukalang pondo ng DA sa plenaryo isa sa natanong ni APEC Party-list Representative Sergio Dagooc ay kung kailan matatapos ang DA sa pamamahagi ng bigas.

Aniya, aabutan na ng Pasko ang naturang pabigas ngunit hindi pa rin nakakatanggap ang lahat ng government employees.

Tugon naman ni Appropriations Committee Vice-Chair Tonypet Albano, sponsor ng budget ng DA, nasa 83.95 percent na sila sa target distribution.

Pagtitiyak pa nito na bago matapos ang Disyembre ngayong taon ay mabibigyan na ng bigas ang lahat ng kawani ng gobyerno. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us