Dagupan City Mayor, hiling ang patuloy na suporta ng mga rice retailers sa mga programa ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

“Kunting bawas sa kita, okay lang basta masilbihan ang ating mga kababayan.”

Ito ang naging mensahe ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez sa ginawang pamamahagi ng Economic Relief Subsidy sa mahigit tatlumpung rice retailers sa lungsod na naapektuhan ng Executive Order (EO) 39.

Aniya, kinakailangan ng pagtutulungan ng lahat upang mapanatiling affordable o abot-kaya ang presyo ng mga bigas na ibinibenta sa mga palengke.

Hiniling din ni Fernandez ang tuloy-tuloy na suporta ng mga rice retailers sa programa ni President Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng pagpapababa ng presyo ng bigas.

Ngayong araw, September 27, ginawa ang pamamahagi ng tulong sa mga rice retailers sa pamamagitan ng tig-P15,000 na Ecomic Relief mula sa pondo ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD.

Umabot sa tatlumpu’t-walo ang bilang ng mga rice retailers na naendorso ng DTI Pangasinan para sa programa subalit paglilinaw ng DSWD, isasailalim ito sa balidasyon upang malaman kung sino ang mga tunay na kwalipikadong tumanggap ng tulong.

Kaugnay nito, muli namang pinuri ni Mayor Belen Fernandez ang napakabilis na pagbibigay suporta ng pamahalaan sa mga naapektuhang negosyante ng implementasyon ng EO 39.

Gayundin, pinuri ng alkalde ang napakagandang sistema ng DTI Pangasinan sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga nagbebenta ng bigas dahil wala itong bahid ng pananakot at pawang pakikiusap lamang. | ulat ni Ruel L. de Guzman| RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us