Dalawang correction officers mula New Bilibid Prison arestado sa panunuhol kapalit ng armas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ang dalawang correction officers ng New Bilibid Prison (NBP) matapos isagawa ng Bureau of Corrections (BOC) ang magkasunod na operasyon dahil sa ulat ng bribery o panunuhol kapalit ng mga armas.

Sa ulat ng biktima, hiningan daw ito ng halagang P6,500 kapalit ng isang baril mula sa BuCor Armory.

Dito na humantong ang unang operasyon sa pagkakahuli ni CO1 Arnel Jamero na nakatalaga sa perimeter at post tower security ng maximum compound habang sa ikalawang operasyon ay nagresulta sa pag-aresto naman kay CSO2 Henry Escrupolo, na pinuno ng Escorting Unit.

Sa imbestigasyon, sinasabing kasabwat umano rin nito si C/SINSP Alex Hizola na hepe ng armory na patuloy pa ring pinaghahanap.

Nasamsam ng mga awtoridad ang ilang mga baril, bala, pera, identification card, at cellphone mula sa mga suspek.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na inihahanda na ang mga administratibo at kriminal na kaso laban sa mga sangkot na BuCor personnel.

Binigyan din niya ng babala ang iba pang BuCor personnel na tumigil na sa kanilang mga ilegal na gawain at makipagtulungan sa mga reporma na ipinatutupad ng bureau. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us