Arestado ng pwersa ng Manila Police District (MPD) ang dalawang lalaki matapos umanong mangholdap ang mga ito ng isang security guard gamit ang balisong sa Quezon Bridge sa Quiapo, Manila.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Jessie Delima, 18-anyos, at Alfredo Manmog, 29, kapwa nakatira sa Quiapo at Binondo.
Ayon sa ulat ng pulisya, naglalakad ang 40-anyos na lalaking biktima sa tulay nang lapitan siya ng mga suspek at humingi ng barya. Nang tumanggi ang biktima na bigyan ang mga ito, nilabas ni Delima ang isang balisong para sa bag na dala nito. Agad namang nakuha ni Manimog ang bag na naglalaman ng cellphone, pera, at mga personal na gamit ng biktima.
Tumakbo ang biktima at humingi ng tulong sa mga MPD bikers na nagsasagawa ng bike patrolling sa lugar sa pangunguna ni MPD Chief PBGen Andre Perez Dizon. Kung saan hinabol at hinuli ng mga biker patrol ang mga suspek.
Matapos nito ay dinala ng pulisya ang mga suspek sa isang ospital para sa medikal napagsusuri at pagkatapos dinala sa istasyon ng Barbosa Police para sa imbestigasyon at dokumentasyon.
Nahaharap ngayon sa kasong robbery-hold-up ang dalawang suspek. | ulat ni EJ Lazaro