Dalawang kilo ng Shabu, naharang sa pantalan ng Surigao City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakumpiska ng joint law enforcement team ang humigit-kumulang dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P13 million, sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Lipata Port, Purok 1, Barangay Lipata, Surigao City.

Ayon sa Philippine Coast Guard K9 Force, nahuli rin ang tatlong suspek habang nasa akto ng pagbebenta ng iligal na droga.

Itinurn over sa Surigao City Police Station ang mga nakumpiskang kagamitan, gayundin ang mga suspek para sa imbestigasyon at paghahain ng karampatang kaso.

Bukod sa pagbebenta sa pantalan, hinihinalang bibiyahe din sa karatig lugar ang mga naharang na illegal drugs.

Tiniyak ng PCG, na mananatiling aktibo sila para harangin ang mga kahina-hinalang kargamento na ilulusot sa mga pantalan. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us