Ligtas na ngayon mula sa kapahamakan ang dalawang mangingisdang Pinoy matapos silang ma-rescue ng Chinese People’s Liberation Army (PLA) naval vessel sa karagatang sakop South China Sea.
Ayon sa Chinese authorities, naglalayag ang barkong Pinoy sa Silangan ng maritime zone ng Nansha Islands nang lapitan ito ng mga mangingisda upang humingi ng saklolo.
Dito natuklasan na isa sa mga mangingisda ay nasugatan sanhi ng propeller blades.
Agad namang binigyan ng paunang lunas ng medic mula sa hukbong pandagat ng Tsina ang Pinoy.
Dagdag pa riyan ang pagbibigay ng gamot at pagkain sa mga mangingisda.
Kalaunan namang nai-transfer ang mga mangingisda sa panig ng Pilipinas kung saan ipinagbigay-alam ng China Coast Guard sa awtoridad ng Pilipinas ang sitwasyon sa pamamagitan ng isang communication hotline. | ulat ni EJ Lazaro