Dalawang miyembro ng Communist Front Organization sa Bayambang, Pangasinan, sumuko na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dalawang indibidwal mula sa bayan ng Bayambang na sinasabing miyembro ng isang Communist Front Organization (CFO) ang sumuko sa mga kinauukulan sa Pangasinan.

Ayon sa impormasyon mula sa hanay ng PNP, nagsanib pwersa ang mga elemento ng Regional Mobile Force Batallion 1, PNP Region I, Pangasinan Police Provincial Office at PNP Maritime upang bigyang daan ang mapayapa at maayos na pagsuko sa mga otoridad nina Analilia Dela Cruz Estrada, limampu’t-anim na taong gulang at Elino Bato Maregmen, pitumpu’t-siyam na taong gulang, kapwa residente ng Barangay San Gabriel 1st sa bayan ng Bayambang.

Ang dalawa ay mga miyembro ng Ulupan na Umbaley ed Camp Gregg Military Reservation (UUECGMR) na nasa ilalim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na sinasabing may kaugnayan sa ANAKPAWIS, isang CTG-linked partylist.

Bilang tugon naman sa kanilang pagsuko, ang dalawa ay inendorso upang maging benepisyaryo ng “Kapwa Ko, Sagot Ko” na isang programa ng PNP na naglalayong makipag-ugnayan sa mga pamilyang maaaring mahikayat na sumali sa mga komunista at teroristang grupo.

Babantayan din ang mga ito upang hindi na nila maisipan pang bumalik sa kanilang dating kinaaanibang grupo. Matapos naman ang kanilang pagsuko, sina Estrada at Maregmen ay inendorso ng mga otoridad kay Manambong Sur Punong Barangay Allain Lacerna. | ulat ni Ruel de Guzman, RP Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us