Karamihan sa mga nagbebenta ng bigas sa Agusan del Sur compliant sa Executive Order 39 o ang mandatory price ceiling (MPC) sa bigas, ito ang resulta sa isinagawang paglilibot ng DTI Agusan del Sur.
Samantalang mayroon ding ilan na hindi sumusunod sa EO 39 at ikinakatwiran ang pagkakaroon ng pagkalugi sa negosyo.
Ayon pa rin sa DTI Agusan del Sur, inaasahan naman na sa mga susunod na araw ay marami nang mga rice retailer ang magpapatupad sa itinakdang P41 kada kilong presyo sa regular milled at P45 kada kilo sa well milled.
Ang DTI Agusan del Sur ay magpapatuloy sa kanilang special price monitoring sa bigas kasama ang PNP, at Local Price Coordinating Council. | ulat ni Jocelyn Morano | RP1 Butuan
📸 DTI AdS