Tuloy-tuloy na ang isinasagawang pampublikong konsultasyon ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa buong bansa .
Puntirya ng departamento ay upang hingin ang kanilang mga ‘input’ sa pagbalangkas ng implementing rules and regulations ng New Agrarian Emancipation Act, o kilala bilang Republic Act No. 11953.
Ang Technical Working Group ay pinamumunuan ni DAR Usec. Napoleon Galit habang mga miyembro naman ay sina DAR Undersecretaries Luis Pangulayan and Marilyn Barua-Yap, Land Bank of the Philippines Executive Vice President Alex Lorayes, Administrator Gerardo Serios, at NIA Administrator Eddie Guillen
Kabahagi rin dito ang mga kinatawan ng agrarian reform beneficiaries mula sa 15 rehiyon kabilang na ang BARMM.
Gayundin ang concerned farmers groups at civil society organizations.
Ang RA 11953 ay nagbubura sa pasanin sa utang ng agrarian reform beneficiaries na may halagang P57.57 bilyon.
Makikinabang naman dito ang 610,054 ARBs na sumasaklaw sa 1,173,101.57 ektarya ng mga lupa sa ilalim ng repormang agraryo. | ulat ni Rey Ferrer