Pinagbabayad ng Commission on Audit (COA) ang mga dating opisyal ng Department of Tourism (DOT) sa Discovery Shores Boracay ng kabuuang Php 456,000 para sa kanilang pananatili sa luxury resort noong 2018.
Ang mga binanggit na opisyal ay sina dating Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo, dating Undersecretary Katherine De Castro, Assistant Secretary Frederick Alegre, Angelito Ucol at Julius Disamburun.
Nanatili ang mga ito sa five-star hotel sa iba’t ibang petsa sa pagitan ng Pebrero hanggang Abril 2018 para sa Boracay rehabilitation efforts noon ng gobyerno.
Tinanggihan ng COA Proper noong Mayo 2022 ang petition for money claim ng Discovery World Corporation para sa Php 456,716.50 para sa mga akomodasyon, pagkain at iba pang serbisyo dahil sa pagiging “walang merito.”
Nakasaad sa desisyon ng nooy COA Chairperson Rizalina Justol na ang billeting para sa mga opisyal ay inayos ni DOT Western Visayas Regional Director Helen Catalbas.
Dahil ito ay sa sarili niyang kagustuhan dapat hindi bayaran ng gobyerno ang mga gastusin.| ulat ni Rey Ferrer