Pumanaw na ang dating mambabatas at dating alkalde ng Marikina City na si Bayani Fernando.
Ito ang kinumpirma ng Chief of Staff ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na si Aaron Garcia.
Ayon kay Garcia, nakatanggap sila ng tawag sa telepono mula sa pamilya ni Fernando para ipaalam na pumanaw na ito matapos maaksidente.
May nakikita umano si Fernando sa bubong ng kanilang bahay. Hindi ito mapakali, kaya siya na ang umakyat, nadulas, at nahulog.
Itinakbo si Fernando sa Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City pero idineklara nang dead on arrival. | ulat ni Diane Lear