Iaapela ni dating National Irrigation Administration Acting Administrator Benny Antiporda ang inilabas na desisyon ng Office of the Ombudsman.
Sa isang pahayag, sinabi ni Antiporda na maghahain siya ng motion for reconsideration upang baliktarin ang desisyon ng anti-graft court.
Giit ng dating NIA Chief, ang mga reklamo sa kaniya ay gawa-gawa lang para pagtakpan ang malaking korapsyon sa NIA.
Bagama’t nirerespeto niya ang desisyon, itinuturing na hindi makatwiran ang naging hatol dahil halos dalawang buwan lamang siyang acting NIA administrator.
Si Antiporda ay hinatulang guilty ng Ombudsman dahil sa administrative cases na isinampa laban sa kanya na may kaugnayan sa naging pagtrato nito sa ilang empleyado ng NIA. | ulat ni Rey Ferrer