DBM, pinoproseso na ang request ng DOTr para sa paglalabas ng fuel subsidy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinoproseso na ng Department of Budget and Management (DBM) ang request ng Department of Transportation (DOTr), para mailabas ang pondo para sa fuel subsidy para sa transportation sector.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations para sa panukalang 2024 budget ng DOTr, tinukoy ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera, na hindi pa nagagamit ang P5.5 billion fuel subsidy na inilaan sa ahensya.

Kabilang dito ang P3 billion noong 2022 at P2.5 billion ngayong 2023.

Paliwanag ni DOTr Undersecretary Anneli Lontoc, inaantay pa nila na ilabas ng DBM ang pondo.

Paglilinaw naman ni DBM acting Director Maria Cecilia Socorro Abogado, na noong August 9 lamang nag-request ang DOTr para mai-release ang pondo.

Kinailangan pa itong ibalik dahil may kakulangan sa dokumento gaya ng joint memorandum circular sa pagitan ng Department of Energy (DOE), DOTr at DBM.

September 2 aniya naisumite ng DOTr via online ang kumpletong request, dahil sa suspension ng pasok sa tanggapan ng pamahalaan at hinihintay pa ang hard copy.

Ngunit pagtiyak ng DBM, na sa kanilang online submission pa lamang ay sinisumulan na nila ang pagproseso para maibaba sa DOTr ang pondo.

Umaasa naman ang mambabatas, na papaspasan ng mga kinauukulang ahensya ang pagtugon dito lalo at Setymbre na, at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong langis. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us