DENR, sinuspinde ang kasunduan sa Socorro Bayanihan Services Incorporated

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinuspinde ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang Protected Area Community-Based Resource Management Agreement (PACBRMA) ng People’s Organization ng Socorro Bayanihan Services Incorporated.

Sa ilalim ng kasunduan na in-award noong 2004, pinapayagan ng DENR ang SBSI na i-develop ang 353 ektaryang protected area sa Barangay Sering, Bucas Grande Island, Surigao Del Norte at gawin itong agricultural land sa loob ng 25 taon.

Pero ang dapat sana ay agricultural land ay ginawa nang tirahan ng SBSI.

Sa pahayag ng DENR, kabilang sa nilabag ng SBSI ang pagbabawal na makapasok sa lugar, paglalagay ng checkpoints, at pagsasagawa ng military training sa mga miyembro nito.

Makikipag-ugnayan naman ang DENR sa ibang ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan ng Surigao Del Norte para matiyak ang maayos at mapayapang pagpapatupad ng suspension notice at paglilipat sa mga nakatira sa lugar.

Inilabas ang Letter of Suspension ng DENR sa SBSI ngayong araw. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us