DA, kasalukuyang isinasagawa ang Information Caravan 2023 sa lalawigan ng Ilocos Norte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa mahigit 600 magsasaka at mangingisda sa buong Ilocos Region ang nakilahok sa isinasagawang Department of Agriculture Information Caravan 2023 sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Ang nasabing programa ay naglalayun na ipaabot at ipaalam ang iba’t-ibang mga programa at proyekto ng Department of Agriculture sa mga magsasaka at mangingisda sa buong Pilipinas.

Sinabi ni Dennis Tactac, ang Regional Technical Director for Operations ng DA Regional Field Office 1 na napakahalaga na malaman ng mga magsasaka at mangingisda ang mga mahahalagang impormasyon sa pag-aalaga ng hayup, pangingisda at pagsasaka para sa maunnlad na agrikultura.

Ilan sa mga tatalakayin sa nasabing Information Caravan na ipaparating sa mga magsasaka ay mga programang Credit and Financial Assistance for Agri-Fishery, Agri-Enterprise Development, El Niño Mitigation and Adaptation Strategies, African Swine Fever at Masagana Rice Industry Development Program.

Pagkatapos ng pagtalakay ng mga opisyal ng Department of Agriculture mula sa Central Office at Regional Office ay magkakaroon ng konsultasyun at bibigyan ang mga nakilahok na magtanong ukol sa mga tinalakay at mga suliranin tungkol sa Kagawaran ng Pagsasaka.

Ang DA Information Caravan 2023 na may temang “Masaganang Agrikultura, Maunlad na Ekonomiya Tungo sa Bagong Pilipinas,” ay isinasagawa ng Department of Agriculture sa iba’t ibang mga Rehiyon at Probinsiya sa buong Pilipinas.  | ulat ni Ronald Valdriz | RP1 Laoag                                                                                                    

📷 RP1 LAOAG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us