Nagkaroon ng dayalogo ang Department of Agriculture sa ilang magsisibuyas upang pakinggan ang hinaing ng mga ito kaugnay sa bentahan ng sibuyas sa bansa.
Pinangunahan ni DA Asec. Rex Estoperez ang dayalogo sa mga grupo ng nagkakaisang magsisibuyas mula sa Nueva Ecjia, Pangasinan at Mindoro.
Hiling ng mga ito, ipatigil ang pagpapapasok ng mga imported na sibuyas dahil ito aniya ang dahilan kung bakit hirap silang makapagbenta ng lokal na sibuyas.
Nauunawaan naman aniya ng DA ang agam-agam ng mga magsisibuyas bagamat ipinuntong kailangan balansehin ang sitwasyon lalo’t ayaw nitong maulit na umakyat na naman sa P500-P700 ang kada kilo ng sibuyas na masakit na naman sa bulsa ng mga konsyumer
Sinabi rin ng Bureau of Plant Industry na sapat lang ang inaangkat na sibuyas ngayon sa bansa.
Magkakaroon naman muli ng konsultasyon ang BPI kung paano magkakaroon ng kompromiso sa usapin ng onion importation. | ulat ni Merry Ann Bastasa