Nais isulong ng Department of Energy (DOE) ang fuel sustainability sa aviation sector para sa decarbonization program ng ating bansa.
Ayon kay DOE Undersecretary Alessandro Sales, nakikipgpulong na sila sa airline companies, mapa local at international airlines, upang gumamit ng aviation fuel na hindi makakaapekto sa ating kalikasan.
Dagdag pa ni Sales, na may mga alternative fuel na maaring magamit upang mabawasan ang ibinibugang carbon emission ng bawat aircraft sa himpapawid.
Hangad naman ng energy department, na makamit ang carbon emission free na ang Pilipinas di lamang sa sektor ng aviation maging sa iba’t ibang industriya sa manufacturing power sector. | ulat ni AJ Ignacio