Deployment ng digital national ID, target makumpleto ng pamahalaan sa pagtatapos ng 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ng Department of Infomation and Communications Technology (DICT) na sabayan nilang idi-deploy ang national digital ID, sa pamamahagi ng PSA ng physical national ID.

Pahayag ito ni DICT Secretary John Ivan Uy, nang tanungin kung hindi na ba ipamamahagi ang physical ID, ngayong binibilisan na ng pamahalaan ang deploment ng digital version nito.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na tumatalima lamang sila sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bilisan na ang pagbababa ng ID ng mga Pilipino.

Naiinip na aniya si Pangulong Marcos Jr.

Ayon sa kalihim, sa kasalukuyan, nasa 80 million na identity na ang naipasok ng PSA sa kanilang database at ito mismo ang pinagsusumikapang i-access at makumpleto ng DICT.

Target ng pamahalaan na sa pagtatapos ng 2023, makumpleto ng kanilang hanay ang deployment ng digital national ID.

“So medyo ambitious po ang ating goal na last July lang tayo nabigyan ng access eh we’re hoping that by yearend ay makaka-deploy tayo. Kung ang PSA po inabot nang apat na taon, eh hindi pa matapus-tapos iyong deployment. So we’re very optimistic. I believe in the capabilities of our people in order to do that.” —Secretary Uy. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us