DFA at DENR, dapat mag-collaborate sa paghahain ng reklamo vs. pagsira ng China sa corals sa West Philippine Sea – Sen. Bato dela Rosa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iminungkahi ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na maaaring magtulungan ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa pagbuo ng reklamong isasampa laban sa ginawang pagsira ng mga Chinese militia vessel sa mga bahura sa Rozul Reef at Escoda Shoal sa West Philippine Sea.

Ayon kay dela Rosa, dapat lang na ituloy ng Pilipinas ang anumang legal option na pwede nating gawin laban sa panibagong aksyon na ito ng China.

Dinagdag rin ng senador, na kailangang i-check kung ano ang lawak ng pinsalang idinulot nila sa marine resources ng Pilipinas at kung bakit nila ito ginawa.

Nang matanong kung dapat bang pagpaliwanagin ang Chinese Embassy sa isyung ito, sinabi ni dela Rosa na pwede itong gawin gayunpaman aminado siyang mahirap nang paniwalaan ang anumang sasabihin nila.

Ito lalo na aniya’t nakakailang hain na tayo ng diplomatic protest sa mga ginagawa ng China sa West Philippine Sea, pero wala namang nangyayari.

Hindi aniya basta dapat tayo magtiwala dahil may sarili rin silang agenda para sa kanilang bansa, at ang kailangan nating gawin ay protektahan ang ating sariling bansa hanggang sa ating makakaya. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us