Iginiit ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na consistent sa posisyon ng gobyerno sa West Philippine Sea ang pag-aalis ng mga boya o floating barriers na nilagay ng hina sa Bajo de Masinloc.
Ayon kay Manalo, may karapatan ang Pilipinas na pairalin ang ating sovereign right sa naturang bahagi ng ating teritoryo.
Gayunpaman, sinabi ng kalihim na sa ngayon ay hinihintay pa nila ang full report patungkol sa naturang insidente.
Nang matanong tungkol sa posibilidad ng paghahain sa panibagong kaso laban sa China kaugnay ng insidenteng ito, sinabi ni Manalo na kailangan pang pag-aralan ang mga procedure.
Pero sakaling makumpirma ng ahensya sa Philippine Coast Guard ay maghahain sila ng protesta sa Chinese Embassy, at tutukuyin nila ang dahilan kung bakit ilegal ang paglalagay ng boya sa Bajo de Masinloc. | ulat ni Nimfa Asuncion