Patuloy na kumakalap ng datos para sa assesment ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa naging pinsala sa mga bahura sa Rozul Reef sa West Philippine Sea.
Ayon sa DFA, nakikipag-unayan na sila sa ibang mga concerned agency hinggil sa initial assesment.
Kaugnay nito, labag ito sa Article 192 ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) hinggil sa ginawa ng bansang China sa pagsira ng mga bahura sa naturang reef at sa pagpasok nito sa Exclusive Economic Zone ng bansa.
Samantala, nakahanda namang umalalay ang DFA sa Office of The Solicitor General para sa legal eplorations nito sa UNCLOS. | ulat ni AJ Ignacio