DFA, planong ipatawag muli ang opisyal ng Chinese embassy dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa WPS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling ipapatawag ng Department of Foreign Affairs ang mga opisyal ng Chinese Embassy bunsod ng magkakasunod na insidente sa West Philippine Sea.

Sa pagsalang ng panukalang budget ng DFA sa plenaryo, nausisa ni OFW party-list Rep. Marissa Magsino kung mayroon pang natitirang “diplomatic options” ang ahensya upang igiit ang sovereign rights sa WPS.

Nagiging “procedural formality” na lamang kasi aniya ang paghahain ng diplomatic protests ng DFA.

Hindi rin naman aniya ito pinapansin ng China at patuloy na ipinagsasawalang bahala ang arbitral ruling na naipanalo ng Pilipinas.

Tugon ni Nueva Ecija Second District Representative Joseph Gilbert Violago, sponsor ng budget ng DFA, na iimbitahan ng ahensya ang Chinese embassy officials upang ipabatid ang mensahe ng ating pamahalaan kay Chinese Foreign Minister Wang Yi.

Hanggang nitong September 20, 2023, umabot na sa 111 diplomatic protests ang naihain ng DFA laban China sa ilalim ng Marcos Jr. administration. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us