DHSUD, pinagana ang local shelter teams sa mga rehiyon na apektado ng Bagyong Goring at Hanna

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling pinagana ng Department of Human Settlemets and Urban Development o DHSUD ang kanilang local shelter cluster teams sa lahat ng mga rehiyon na apektado ng Bagyong Goring at Bagyong Hanna.

Ito ay alinsunod na rin sa direktiba ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at Undersecretary for Disaster Response Randy Escolango.

Kaugnay nito maigting na makikipag-ugnayan ang ahensya sa National Disaster Risk Reduction and Management Council at iba pang concerned government agencies para maging maayos ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong pamilya lalo na sa mga inilikas at nawalan ng tirahan.

Ayon kay Acuzar, binigyang direktiba na rin ang kanilang mga regional director na maging alerto para sa mga posibleng emergency response at humanitarian assistance.

Binigyang diin din ni Acuzar na mahalaga ang pagpapagana sa nasabing teams para matiyak ang kahandaan ng concerned regional offices sa anumang mga kalamidad. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us