Nagkomit ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na isasagawa ang kanilang “catch-up plan” sa paggasta ng kanilang nakalaang budget para sa taong 2023.
Nagisa ang DICT ng ilang mga mambabatas sa deliberasyon ng kanilang budget for 2024 dahil sa mabagal na utilization rate.
Base sa datos, nasa 6% lamang ang na-disburse mula sa kanilang continuing appropriation mula 2022 hanggang 2023 allotment habang nasa 43% naman ang disbursement rate for 2023.
Dahil sa “unobligated allotment” na nasa ₱9 bilyon noong nakaraang taon, ₱4.6 bilyon ang isinauli sa National Treasury, habang ang natitrang ₱4.7 bilyon ay continuing budget na maari pang magamit ngayong taon.
Tugon ni DICT Undersecrtary Heherson Asiddao, nagsagawa na sila ng mga realignment and organizational changes upang mapabilis ang procurement at utilization rate.
Ayon kay Appropriations Vice Chair Stella Luz Quimbo, nais nilang maging patas sa lahat ng ahensya ng gobyerno at importante na nakikita nila ang utilization rate ng lahat.
Iminungkahi naman ng lady solon ang “fallback” upang matulungan ang ahensya sa kanilang budget utilization gaya ng free wifi cards na ipamahagi sa mga tao na nasa urban areas at walang access sa wifi partikular ang mga estudyante na kailangan ang internet. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes