Hiniling ni Makati Rep. Luis Campos Jr, ang suporta mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa laban ng bansa kontra cybercrimes and online exploitation.
Si Campos ang sponsor Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa kanilang 2024 proposed budget.
Sa interpelasyon ni Northern Samar 1st Dist. Rep. Paul Daza tinanong nito ang ahensya kung anong mga hakbang upang matugunan ang banta ng cyber security at online fraud.
Tugon ni Campos, nakaalarma ang mga pinakahuling datos dahil pumapangalawa ang PIlipinas sa may pinakamataas na panganib ng exploitasyon ng cyber-crimes sa mga kabataan at pumapangalawa rin umano sa global ranking na madalas na inaatake ng mga hackers.
Aminado rin ang budget sponsor ang vulnerability ng bansa pagdating sa online scams ang hacking.
Suhestyon naman ni Daza sa DICT na pagukulan ng pansin ang iba pang programa o thrust ng DICT gaya ng cybercrime protection na siyang maaring paglaanan ng budget ng ahensya sa kabila ng kanilang underutilization bagay na sinang ayunan naman ng ahensya.
Ayon kay Campos, may mga NEDA endorsed projects na hindi kasama sa 2024 national expenditures program upang mapalakas ang attached agency nito gaya ng National Privacy Commission. | ulat ni Melany Reyes