DICT Super App, maglalaman ng serbisyo ng nasyonal at lokal na pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinakilala ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang eGovPH Super App na naglalaman ng mga serbisyo ng lahat ng ahensya ng gobyerno.

Sa ekslusibong panayam kay Usec. Eherson Assidao, kahit nasa bahay lamang ay puwede nang magkaroon ng transaksyon sa gobyerno sa pamamagitan ng eGovPh Super App.

Ipinaliwanag ng opisyalna may plano pang isama sa application ang mga serbisyo ng lokal na gobyerno sa buong bansa.

Dagdag ni Usec. Assidao na natapos na ang sistema ng application at kaunti na lamang ang aayusin upang samantalahin ng bawat Pilipino ang mga serbisyo ng gobyerno nasional at lokal.

Bahagi ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ang DICT na nagbigay ng impormasyon hinggil sa seguridad ng mga gumagamit ng digital application at iba pang plataporma.| ulat ni Ranie Dorilag | RP1 Laoag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us