DILG at MMDA, hiningi ang tulong ng market administrators para sa pagpapatupad ng mandated price ceiling sa bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinulong na ng Department of the Interior of Local Government (DILG) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga market administrator para sa pagpapatupad ng mandated price ceiling sa bigas.

Sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na pinakiusapan nila ang mga market master na tulungan sila sa pagpapatupad ng Executive Order 39 series of 2023 o the Imposition of Mandated Price Ceilings on Rice na inilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito’y sa pamamagitan ng information drive na isasagawa sa mga pampubliko at pribadong pamilihan sa Metro Manila.

Ang DILG at MMDA ay tutulong sa Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) sa mahigpit na pagpapatupad ng kautusan ng Pangulo.

Alinsunod sa mandated price ceiling, magiging P41/kilo na ang presyo ng regular milled rice habang P45/kilo naman ang well-milled rice sa buong bansa.

Kasama din ng DILG ang MMDA sa pagmonitor at pag-imbestiga sa abnormal na paggalaw ng presyo ng bigas at pagbibigay tulong sa mga apektadong retailers. Sa ginanap na pulong, kasama ring dumalo ang ilang Metro Mayors, ilang kinatawan ng local government units (LGUs), Philippine National Police (PNP) at government agencies. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us