DILG, magbibigay ng mga motorsiklo sa MMDA para sa Motorcycle Riding Academy ng ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang tumanggap ng mga motorsiklo ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA mula sa Department of the Interior and Local Government o DILG ngayong araw.

Ito ay para sa bubuksang Motorcycle Riding Academy ng ahensya sa September 27.

Layon nitong mabawasan ang mga aksidente sa lansangan sa Metro Manila, lalo pa at batay sa ulat ng MMDA nasa 40 percent ng mga aksidente sa kalsada sa bansa ay kinasasangkutan ng mga motorsiklo.

Pangunganahan ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes at DILG Secretary Benhur Abalos ang turnover ceremony mamayang alas-dos ng hapon sa tanggapan ng MMDA sa Julia Vargas, Pasig City.

Nasa 10 motorsiklo ang ibibigay ng DILG para sa nasabing Motorcycle Riding Academy ng MMDA.

Nauna rito ay ilang senador na din ang nagbigay ng mga motorsiklo sa MMDA bilang suporta sa bubuksang Motorcycle Riding Academy. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us