Pinuri ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang mga local chief executive sa kanilang ginawang hakbang at suporta sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tungkol sa pagpapatupad ng price ceiling sa bigas.
Dito makikita ang pagsanib pwersa ng LGUs lalo na sa Metro Manila na talagang apektado sa pagtaas ng presyo ng bigas.
Aniya, ilang local executives ang nagpaabot pa ng tulong sa mga apektadong rice retailers sa pamamagitan ng pagbibigay ng stalls nang libre o may discounted fees.
Sa unang araw ng pagpapatupad ng price ceiling, hinimok ni Abalos ang mga reseller na makiisa sa utos ng Pangulo.
Aniya, sa mga susunod na araw ay mas magiging mahigpit na sa pagpapatupad ng batas.
Tiniyak pa ng kalihim sa mga rice retailer na pansamantala lamang ang price ceiling sa bigas at para tiyaking naa-access sa makatwirang presyo para sa mga Pilipino. | ulat ni Rey Ferrer