DILG Sec. Abalos, nagpasalamat sa liderato ng Kongreso sa pagtutulak ng organizational reforms sa Pambansang Pulisya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pasasalamat si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa liderato ng Kongreso para sa pagtutulak ng Philippine National Police (PNP) Organizational Reform Bill.

Kahapon, sumalang na sa Plenaryo ang Senate Bill 2449 o panukala para sa reporma sa hanay ng PNP na iniakda ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon kay Sec. Abalos, sakaling maisabatas, ito ang magiging kauna-unahang komprehensibong legislative reform sa PNP mula 1998.

Giit nito, napapanahong tugon ang panukalang batas na ito para mas maging ‘responsive’ ang pwersa ng Kapulisan.

“It’s about time that we introduce organizational reforms in the PNP to empower our police force to effectively address current challenges of law enforcement. The multitude of reforms provided in this bill are anchored on the needs of the PNP and the communities, and it will also fortify the capabilities of our police force to ensure the safety and security of the Filipino people,” ani Abalos.

Kabilang sa nakapaloob sa Senate bill ang pag-institutionalize sa mga tanggapan ng PNP na binuo ng National Police Commission (Napolcom) kabilang ang PNP Directorial Staff, Area Police Command, at Anti-Cybercrime Group.

Ililipat na rin sa PNP chief ang kapangyarihang magtalaga ng Chief of Police sa isang lugar nang hindi na ito maimpluwensyahan pa ng local chief executives.

Itinutulak rin nito ang pagbabago ng pangalan sa mga kadete bilang Police cadets, na makakatanggap na rin ng sahod at benepisyo na katumbas ng isang Police executive master sergeant.

Itutulad na rin sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang compulsory age of retirement sa PNP sa edad na 57.

Ang naturang Senate bill ay ang counterpart measure ng House Bill 8327, na una nang pumasa sa Kamara noong Agosto.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us