Suportado ng Department of the Interior and Local and Government (DILG) ang Motorcycle Riding Academy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Layon nitong mabawasan ang mga aksidente sa kalsada sa Metro Manila na kinasasangkutan ng mga motorsiklo.
Batay kasi sa datos ng MMDA, nasa 278 na mga indibidwal ang namatay dahil sa aksidente sa kalsada sa buong bansa noong 2022.
Sa isinagawang turn-over ceremony ngayong hapon, nasa 10 motorsiklo ang ibinigay ni Interior Secretary Benhur Abalos para sa Motorcycle Academy ng MMDA.
Ayon kay Abalos, mahalaga ang pagkakaroon ng nasabing Motorcycle Academy upang maituro ang tamang paraan ng pagmamaneho ng motorsiklo at maging handa sa panahon ng emergency sa kalsada.
Nagpasalamat naman si MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes kay Abalos sa patuloy na suporta nito sa ahensya.
Samantala, makikipagtulungan naman ang MMDA sa TESDA at LTO, upang pag-aralan kung gagawing requirement ang pagsasanay sa Motorcycle Academy para sa mga kukuha ng license o ‘yung mga magre-renew ng lisensya lalo na ‘yung mga lumabag sa batas trapiko. | ulat ni Diane Lear