DMW, private at foreign recruitment agencies, nagpulong ukol sa full implementation ng OFW Pass

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpulong ang Department of Migrant Workers (DMW) kasama ang private recruitment agencies at foreign recruitment agencies.

Pinangunahan ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac ang pulong, kasama ang iba pang kawani ng ahensya at mga kinatawan ng recruitment agencies.

Kabilang sa mga natalakay sa pulong ang update sa pilot testing ng OFW Pass at ang napipintong full implementation nito sa hinaharap.

Batay sa datos ng DMW hanggang nitong September 10, pumalo na sa mahigit 21,000 ang mga OFW Pass na nagamit bilang exit clearance.

Pinakamaraming nakagamit ay naitala sa United Arab Emirates, Qatar, at Hong Kong. Habang naitala naman sa Pilipipinas, UAE, at Kingdom of Saudi Arabia ang pinakamaraming na-download na DMW Mobile App.

Ayon sa DMW, patuloy nilang sinisikap na tugunan ang mga problemang teknikal na nararanasan ng mga OFW sa paggamit ng OFW Pass, kasabay nito ay tiniyak din ng ahensya na pagbubutihin ang mga feature nito.

Matatandaang inilunsad ng DMW ang OFW Pass na layong tugunan ang dekada ng problema ng mga OFW sa Overseas Employment Certificate. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us