Mahigpit na tinututukan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga pinakahuling sitwasyon sa Morocco.
Ito’y makaraang yanigin ng Magnitude 6.8 na lindol ang naturang bansa nitong Biyernes na ikinasawi ng humigit kumulang 2,000.
Ayon kay DMW Officer-In-Charge, Hans Leo Cacdac, batay sa kanilang patuloy na pagbabantay, wala pa namang Pinoy ang napaulat na napasama sa bilang ng mga nasawi o nasugatan dahil sa lindol.
Maliban sa kanilang Labor Attaché sa Morocco, sinabi rin ni Cacdac na mahigpit ang kanilang ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Batay sa ulat ni Philippine Ambassador to Morocco Leslie Baja, hindi bababa sa 4,600 na mga Pilipino ang kasalukuyang nasa Morocco.
Ayon kay Cacdac, karamihan sa mga ito ay nagtatrabaho bilang skilled workers, houshold workers, o mga teacher. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: PNA