DND, nagpasalamat sa Kongreso sa pagpasa ng MUP Pension Bill sa ikalawang pagbasa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ng Department of National Defense ang pagkakapasa sa ikalawang pagbasa ng Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension System Bill.

Sa isang statement na inilabas ni DND Spokesperson Dir. Arsenio Andolong, ipinaabot ng kagawaran ang pasasalamat sa kongreso sa kanilang pakikinig sa alalahanin ng defense sector.

Espesyal na pinasalamatan si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Majority Leader Manuel Jose M. Dalipe, at Ad Hoc Committee on Military and Uniformed Personnel Pension System Chairperson, Congressman Joey Salceda sa kanilang pagkalinga sa mga sundalo.

Ayon sa DND, sa pamamagitan ng pagtiyak sa kapakanan ng mga sundalo pagkatapos ng kanilang serbisyo, mas makakatutok ang mga tropa sa kanilang misyon na pangalagaan ang soberenya at seguridad ng bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us