DND, patuloy na tumitindig vs. ‘expansion’ ng China sa West Philippine Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na titindig ang Pilipinas laban sa ‘expansionist agenda’ ng China ayon mismo kay Defense Secretary Gibo Teodoro.

Sa budget briefing, natanong ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez, kung ano ang mga hakbang na ginagawa ng Department of National Defense (DND) laban sa patuloy na pagbalewala ng China sa Arbitral Ruling na na naipanalo ng Pilipinas, at panghihimasok sa ating teritoryo.

Ayon sa kalihim, patuloy na makikipag-alyansa ang Pilipinas sa mga bansa na may katulad na paniniwala at paggalang sa international law.

“We will not back down, we will continue to be doing what we are doing and we will continue to build up alliances with like-minded nations in order to enforce international law. The narrative or respond, is these alliances is being done to contain China. It is being done to enforce international law because what contains countries from expansion is international law and not any other force.” diin ni Teodoro

Punto pa ni Teodoro, sa paglalabas ng China ng kanilang bagong 10-dash line sa South China Sea ay pinapatunayan lamang nila ang kanilang ‘expansionist agenda’ o pagnanais na manakop sa nataurang teritoryo.

Sa naunang interpelasyon naman ni KABATAAN Party-list Representative Raoul Manuel, sinabi ni Teodoro na mananatili ang kaniyang posisyon para sa isang independent foreign policy ng bansa.

Aminado ang kalihim, na pagdating sa kalakalan ay malaking merkado ang China ngunit ibang usapin pa rin aniya ang pag-aangkin nila ng teritoryo na sa atin.

“…ako po ay very, very cognizant na kailangan ng independent foreign policy. Dahil ang Tsina po, kailangan po natin at napakalaking merkado niyan. Pero kung patas po ang laban, wala po silang inaakong teritoryo natin, di sana po wala tayong problema.” ani Teodoro | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us