DND, sasampahan ng kasong perjury ang 2 environmentalist na napaulat na nawala at ngayon ay sinasabing dinukot ng mga sundalo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaaral na ngayon ng Department of National Defense (DND) na kasuhan ng ‘perjury’ sina Jhed Tamano at Jhonila Castro—ang dalawang environmentalist na napaulat na Nawala, at ngayon ay sinasabing dinukot sila ng mga sundalo.

Sa ambush interview kay Defense Secretary Gilberto Teodoro matapos ang plenary deliberation ng 2024 proposed DND budget, sinabi nito na tinatapos lang aniya nila ang reklamo bago isampa sa kaukulang otoridad para maimbestigahan.

Aniya, batay sa affidavit na kanyang nakita boluntaryong sumuko ang dalawa at pinanumpaan pa sa harap ng public attorney at iba pang testigo, pero ngayon ay bumaligtad na.

Kaya naman marapat lang aniya na bigyang-leksyon ang pasimuno sa ginawa nilang pagsisinungaling kahit pa ‘under oath.’

Hindi aniya nila pwede palampasin na lang ang ganitong bagay, na may malinaw na ebidensya maliban pa sa hindi patas na pagpaparatang sa mga sundalo. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us