Ipinanukalang ng Department of Finance (DOF) ang “temporary reduction” sa rice import tariffs upang makatulong na mabawasan ang presyo ng bigas sa bansa.Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno bagaman epektibo ang price control kung maayos na mai-calibrate at maipatutupad ito, may mga negatibong epekto pa rin sa mga retailers at magsasaka kung patatagalin.Aniya, inatasan sila ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maibsan ang negative effect ng price ceiling sa mga retailers and farmers.Diin ni Diokno, kailangan i-adopt ng bansa ang comprehensibong pamamaraan upang matiyak ang rice supply at mababang presyo.Sa ilalim ng panukala ng DOF, panandaliang ibaba sa 0-10 percent ang rice import tariff rate.Kailangan din ng timely importation ng bigas ng mga pribadong sector at full implementation ng super green lane na nag-ootorisa sa paggamit ng Electronic Data Interchange.Ayon kay Diokno dapat sugpuin ang mga hoarders, smugglers, at mga negosyante na nananamantala sa presyo at kailangan ng mahigpit na pagbabantay sa presyo ng imported na bigas.At ang panghuli ay isulong ang mga programa para maprotektahan at matulungan ang mga vulnerable sector gaya ng mga magsasaka at retailers na apektado ng price ceiling. | ulat ni Melany Valdoz Reyes