DOF, muling iginiit na walang “pension cuts” sa existing MUP retirees

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling tiniyak ng Department of Finance (DOF) sa mga retiradong miyembro ng uniformed services na hindi sila apektado ng panukalang reporma sa pension reform na ngayon ay nakabinbin sa Kongreso.

Sa panayam kay Finance Undersecretary Cielo Magno, isa sa pangunahing hangarin ng panukalang pension reform ng DOF ay upang mapanatili ang kasalukuyang lebel ng military at uniformed personnel (MUP) pensions at masigurong hindi mababawasan ang kanilang mga natatanggap na benepisyo.

Paliwanag ng DOF official, target nilang maging sustainable ang pension system ng mga nasa active service and new recruits, at mahinto na ang budget appropriation ng gobyerno sa hinaharap.

Ayon pa kay Magno, marami pang dapat talakayin sa MUP pension reform partikular ang

mandatory contribution ng mga active personnel at pag-alis ng pension indexation para sa mga aktibong miyembro at mga bagong pasok.

Una nang sinabi ng DOF na ang proposed adjustments sa MUP pensions ay dapat nakabase sa   economic conditions at financial feasibility ng pension fund at hindi sa automatic indexation. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us