Nilinaw ni Health Secretary Ted Herbosa na halos paubos na ang donasyong COVID-19 bivalent vaccine mula Lithuania.
Sa interpelasyon ni General Santos City Representative Loreto Acharon, natanong nito kung totoo ba ang napaulat na may mga bivalent vaccine na mag-e-expire.
Ayon kay Herbosa, ilan sa bakuna ay may expiration ng September 2023 at mayroong January 2024.
Ngunit dahil sa 91 hanggang 94 percent ng kabuuang 390,000 bivalent vaccines na ang nagamit, positibo ang kalihim na hindi ito aabutan ng expiration.
Dagdag pa nito, na may pagkakataon na maaaring ma-extend ang shelf-life ng bakuna.
Kung naitago aniya ito ng tama sa refrigerated storage, ay kailangan lamang aniya ito i-assess ng manufacturing company at kung mapatunayang epektibo ay maaari pang mapalawig ang shelf life nito.
Kinumpirma rin ng kalihim na binabantayan nila ngayon ang pag-aaral sa monovalent XBB COVID vaccine na sinasabing mas epektibong panangga sa epekto ng bagong Omicron variant. | ulat ni Kathleen Forbes