DOJ, kumikilos na rin para kasuhan ang mga hindi susunod sa price ceiling sa bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na may kalalagyan ang mga negosyante na hindi susunod sa itinakda ng price ceiling sa bigas.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, marami silang isasampang kaso kung patuloy na mananamantala ang mga negosyante sa ganitong pagkakataon.

Posibleng maharap sa kasong economic sabotage ang mga negosyante na mapapatunayan nilang nagtatago ng suplay ng bigas na nagiging sanhi ng pagtaas nito.

Maliban dyan, nais din tingnan ng DOJ kung bakit lumobo sa mataas na presyo ang bigas gayong nabili lamang ito sa mga magsasaka mula sa P15 hanggang P18.

Ngayong araw, sinimulan na ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry na mag monitor sa mga palengke para tiyakin na nasusunod ang itinakdang presyo sa bigas.

Sa regular milled rice hindi dapat tumaas sa P41, habang P45  sa well milled rice. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us