DOLE RTWPB Bicol, nagsagawa ng pampublikong konsultasyon sa Sorsogon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ang tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) Bicol ng pampublikong konsultasyon sa Sorsogon na dinaluhan ng mga kinatawan ng mga employer at mga manggagawa sa probinsya.

Ayon kay DOLE Bicol Regional Director at Board Chairman Ma. Zenaida A. Angara-Campita, ang konsultasyon ay may hangaring makuha ang mga opinyon ng mga stakeholders patungkol sa usapin ng sahod na makakatulong sa masusing pag-aaral ng Board.

Inilatag sa kosultasyon ang Wage Updates at Socio-Economic Indicators at Agri Updates na sinundan ng Workshop Presentation for Business Owner and Business Owner Representatives at Presentation for Workers.

Ang RTWPB ay nakatakdang magsagawa ng parehong konsultasyon sa iba pang mga lalawigan sa Bicol upang makuha ang opinyon ng ibat ibang mga stakeholders at makalikom ng datos.

Shining Start Resort, Masbate City (September 22, 2023)

Lotus Blu Hotel, Naga City, Camarines Sur (September 26, 2023)

Wiltan Hotel, Daet, Camarines Norte (September 27, 2023)

Samantala ang public hearing ay nakatakdang gawin sa ika 2 ng Oktubre, ngayong taon sa Concourse Convention Center sa Legazpi City. | ulat ni Twinkle Neptuno | RP1 Albay

Photos: DOLE Bicol

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us