DOT, dismayado kasunod ng insidente ng pagnanakaw ng isang airport personnel sa isang dayuhan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dismayado ang Department of Tourism (DOT) kasunod ng insidenteng kinasangkutan ng isang airport personnel dahil umano sa pagnanakaw nito ng pera mula sa isang dayuhan.

Matatandang nag-viral ang kuha sa CCTV ng paglunok ng sinasabing personnel sa 300 US dollar bills na nawawalang pera ng isang pasaherong paalis ng Maynila.

Binigyang-diin ng DOT sa isang pahayag na anumang uri ng krimen na ginawa laban sa isang turista ay maituturing na krimen laban sa ating bansa na nararapat lamang maparusahan batay sa mga umiiral na batas.

Kaugnay nito ay nagpahayag din ng suporta ang ahensya sa naging direktiba ni Transportation Secretary Jaime Bautista na patawan ng maximum penalty ang naturang personnel sa oras na mapatunayan itong guilty sa naturang krimen.

Maaalalang naganap ang insidente noong September 8 sa Terminal 1 ng NAIA, kung saan nakita ang isang screening officer na sadyang nilulunok umano ang mga perang papel ngunit batay sa pagsisiyasat ng Office for Transportation, bukod sa babaeng nakita sa video ay mayroon pang dalawang screening personnel ang sinasabing sangkot din sa nangyaring pagnanakaw. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us