Ikinalugod ng Department of Tourism na napabilang ang Pilipinas sa 18 mega biodiverse na bansa sa buong mundo.
Ang pahayag ay ginawa ni Tourism Secretary Christina Frasco kasunod ng isinagawang inaugural ng Philippine Tourism Dive Dialogue (PTDD) na ginanap sa Cebu katuwang ang ibang ahensiya ng gobyerno.
Ayon sa kalihim gumagawa sila ng mga hakbang upang maramdaman ng mga stakeholder ang kamay ng gobyerno na sila ay maabot para sa industriya ng turismo.
Ito’y upang maunawaan ang mga hamon na kanilang kinakaharap at maisaayos ang mga patakaran kung kinakailangan.
Mahalaga din aniya ang pagpapahusay sa mga imprastraktura, koneksyon, at digitalization upang matiyak ang buong pag-unlad ng industriya ng ‘dive tourism’.
Ayon kay Frasco, bunga na rin ito ng pagsasama-sama at pagtutulungan upang mapanatili ang ganda ng mga ‘diving spot’ at ang industriya ng turismo sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio