DOT, ikinatuwa ang mabilis na pagkakalusot ng kanilang panukalang budget para sa 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Labis na ikinatuwa ng Department o Tourism ang mabilis na pag-apruba ng Kamara para sa 2.7 o halos 3 bilyong pisong panukalang budget ng Kagawaran para sa susunod na taon.

Sa isang pahayag, nagpaabot ng pasasalamat si Tourism Sec. Ma. Christina Frasco sa mga miyembro ng mababang kapulungan sa kanilang suporta upang maipasa ang dagdag pondo para sa kanilang tanggapan.

Mas mataas ng 24 na porsyento ang naturang pondo kumpara sa mahigit 2.6 na bilyong pisong inilaan para sa kanila noong isang taon.

Dahil sa karagdagang pondong natanggap ng DOT, sinabi ni Frasco na makadaragdag ito sa 1.87 o halos 2 trilyong pisong kita ng pamahalaan mula sa mga turistang dumarating sa bansa.

Makadaragdag rin aniya ito sa kasalukuyang 5.35 milyong trabahong nalikha sa sektor ng turismo buhat nang muling magbalik ang turismo mula nang magkapandemiya.

Batay sa pinakahuling datos, nakapagtala na ang DOT ng 3.8 o halos 4 na milyong visitor arrivals o 80 porsyento ng 4.8 milyong target ng Kagawaran para sa taong 2023. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us