Posisyon ng Department of Transportation (DOTr) na mailipat sa ilalim ng pamamahala ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang Metro Rail Transit (MRT) Line 3.
Sa pagdepensa ng DOTr sa kanilang panukalang budget, sinabi ni Transportation Undersecretary Cesar Chavez, ang paglilipat ng asset at pangangasiwa ng MRT-3 sa LRTA ang direksyon ngayon ng ahensya.
Punto ni Chavez Light Rail Transit (LRT) lines at Philippine National Railways (PNR) na may board na nangangasiwa—sa MRT 3 ay mga undersecretary o secretary lang ng transportation department ang nagdedesisyon.
Kaya rin naman aniya ng LRTA na pamahalaan ang dagdag na train line.
Napapanahon din aniya ito, lalo at magtatapos na ang build lease transfer ng MRT-3 sa 2025. | ulat ni Kathleen Forbes