Nagpaabot ng pagbati at pakikiisa ang Department of Transportation o DOTr sa lahat ng mga Pilipinong mandaragat kaalinsabay ng pagdiriwang ng National Seafarer’s Day.
Ito’y may kaugnayan din sa pagdiriwang ng National Maritime Week na idinaraos tuwing buwan ng Setyembre.
Sa isang pahayag, kinikilala ng DOTr ang mga naging ambag ng Pinoy seafarer’s sa pandaigdigang ekonomiya.
Marapat lamang ayon sa DOTr na pasalamatan, kilalanin at bigyang pagpupunyagi ang mga Pilipinong mandaragat dahil sa kanilang sakripisyo.
Ayon sa Kagawaran, hindi matatawaran ang ipinakitang tapang, dedikasyon at katatagan ng mga Pilipinong mandaragat, matiyak lamang ang mayos na paghahatid ng mga produkto gayundin ng mga tao sa karagatan. | ulat ni Jaymark Dagala