DPWH, iprinesenta ang kanilang proposed 2024 budget sa House Appropriations Committee

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iprinesenta ngayong umaga ng Department of Public Works and Highways ang kanilang proposed 2024 budget sa House Appropriation Committee.

Sa ilalim ng P5.768 trilyon na 2024 National Expenditure Program, nasa P822.2 bilyon ang inilaang pondo ng DBM sa DPWH.

Bagaman nabawasan ng P72 bilyon mula sa budget na P894 bilyon ngayong 2023, ang kagawaran pa rin ang pumapangalawa sa nakakuha ng pinakamataas na alokasyon para sa susunod na taon.

Layon nitong i-ramp up ang infrastructure development na mahalaga sa pagsustine ng economic expansion ng bansa.

Sa presentasyon ni DPWH Secretary Manuel Bonoan, malaking bahagi ng kanilang pondo ang mapupunta sa flood mitigation facilities na nagkakahalaga ng P215.64 bilyon para sa 965 na proyekto na isasalalim sa konstruksyon at rehabilitasyon ng mga river basin at pangunahing mga ilog.

Habang ang P174.089 bilyon naman ang nakalaan sa Convergence and Special Support Program.

Nasa P148 bilyon naman ang budget na inilaan sa network development para gawin ang 721.6 kilometers na mga bagong kalsada at pagpapabuti ng 647.2 kilometer ng mga kasalukuyang kalsada. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us