Drug personality na kabilang sa PDEA at PNP unified watchlist, naaresto sa isang drug den sa Valenzuela City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Apat na drug personality kabilang ang isa na nasa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) watchlist ang naaresto ng PDEA Regional Office National Capital Region – Southern District office sa Valenzuela City.

Ito’y matapos salakayin ang isang drug den sa #870 A. De Castro St., Barangay Malinta, kahapon ng hapon.

Ang mga naaresto ay sina Marites Bondoc 44 anyos at siya ang tinutukoy na nasa listahan ng PDEA-PNP watchlist, Lorelie Prospero, Edgardo Bondoc at Apollo Silvestre.

Nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang humigit-kumulang na 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P105,400, iba’t ibang drug paraphernalia, at iba pa.

Ayon sa PDEA, ang apat ay nahaharap ng kaso na paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us