DSWD at DTI, muling namahagi ng cash assistance sa ilag rice retailers sa Malabon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagsagawa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Trade and Industry (DTI) ng cash assistance payout para sa mga rice retailer sa lungsod ng Malabon na apektado ng patuloy na pagpapatupad ng EO 39.

Binuksan ngayong araw ang payout sa ikatlong palapag ng Malabon City Hall para sa mga rice retailer na hindi nakasipot sa unang iskedyul ng payout noong nakaraang linggo.

Ayon sa DTI, nasa 29 na rice retailers nalang ang hinahabol na bigyan ng financial aid mula sa orihinal na 84 na nasa masterlist.

Una nang pinangunahan ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval kasama ang mga kinatawan ng DSWD, at DTI ang pamamahagi ng tig-P15,000 na cash assistance sa 55 benepisyaryo sa unang larga ng payout noong Huwebes.

Ito ay sa ilalim pa rin ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD.

Matapos naman ang pamamahagi ng cash aid ngayong araw, isusunod din ng DTI at DSWD ang pagpapaabot ng tulong sa mga sari-sari store owners sa Malabon na apektado rin ng EO39. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us