DSWD at DTI, nagpulong na para sa economic relief subsidy ng mga rice retailers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpulong ngayong hapon si DSWD Rex Gatchalian at DTI Undersecretary Carol Sanchez sa DSWD Central Office sa Quezon City.

Sa ulat ng DSWD, tinalakay ng dalawang opisyal ang pagpapatupad ng Economic Relief Subsidy para sa maliliit na rice retailers na apektado ng Executive Order 39, o mandated price ceiling sa bigas.

Nauna nang sinabi ni Secretary Gatchalian na handang magkaloob ng cash assistance ang DSWD sa retailers na malulugi dahil sa ipinatupad na price ceiling sa bigas na nagkabisa na kahapon.

Bukod sa DSWD at DTI na tutulong sa mga apektadong rice retailers, siniguro na rin ng ilang LGU na magbigay ng tulong.

Kabilang dito ang Quezon City LGU na sinasabing makakapag-avail ang mga qualified retailers sa alinmang assistance program nito para manatiling operational ang kanilang negosyo.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us